Kanina nung pauwi ako, nung naghihintay ng jeep sa vito cruz. Eh di may padaan na jeep na medyo luwag so take advantage naman ako kagad, kahit na lam kong medyo nagmamadali din yung jeep kasi naka-go yung stoplight. Tapos syempre may mga nauna saking sumakay. So ako, nagmadali ding umakyat kasi baka biglang umandar yung jeep! Ang nangyari ba naman, pag-akyat ko, naiwan ko yung sapatos ko sa akyatan! Grabe nakakahiya!! As in hindi ko alam yung gagawin ko nakaangat yung isang paa ko! Eh di yun. binalikan ko dun sa akyatan at sinuot ko.. Tas umupo na lang ako sa nearest na bakante. Pero hindi naman ako umiyak or what (OA haha). Nakatingin pa rin ako straight ahead na parang walang nangyari. Hindi ko lang alam kung anung naisip nung mga pasahero sakin, kung natatawa ba sila or what. Basta ako'y nagbayad na lang at nagtext. buti na lang medyo malapit lang. Hay naku! Super nakakahiya talaga yun! Andami pa namang nakasakay (tas mahaba pa yung jeep). Sa pinagkamalas malas naman oh! Cinderella nga, pero sa ganito ba naman paraan! Anu ba yan!
One of my embarrasing moments yun! I will never wear that shoes again! Luwag nga kasi eh! Lesson learned: Do not wear shoes that you didn't buy (that doesn't fits you well). Actually 2nd time na nangyari sakin 'to, isa nung tuesday pero hindi ko naman naiwan dun sa akyatan, muntikan lang saka wala namang nakapansin, 2 lang nakasakay. HAYYYYY!!!!!!!!!!